Finally napanood ko din ang last and final episode ng Space Sheriff Shaider... (after 12 years... napanood ko din...) hindi nga ako nagsisi ng sinubaybayan ko siya sa hero channel at kung tatanungin mo ko kung ano ang Moral lesson (yun ung title ng Blog ko ngaun..) Justice... binigyan niya ng hustisiya ang lahi ng mga mandirigmang shaider na minsan nang tumalo kay Fuuma Ley-ar (o Fuuma Lord Kubalai kung sa japanese) dahil sa kadahilanang sinakripisyo nito ang kanyang buhay para matalo ang nasabing Halimaw... Friendship and Love (Pagkakaibigan at pagmamahal) ang pagkakaibigan nila ni annie ang naging dahilan para magbigay kay shaider ng ibayong lakas... para matalo ang lahi ng mga fuuma... maaari mo kong tawanan dahil sa tingin mo kababawan ang ginagawa ko pero para sa akin isa itong malaking achievement bakit sabihin mo nga sa akin... natapos mo na ba ang palabas na pinapanood mo nung maliit ka pa? yung mga japanese sentai (Maskman, Bioman, at Kamote man ^^,) hindi diba? kasi nung maliit ka ang alam mo lang eh.. yung mga stunts na ginagawa nila.. well wag ka na magalit.. kasi alam ko na ang tumatakbo sa isipan mo ngaun... (ang babaw naman ni dmax.. tama ba ako?? ^^,) hehe.. idol ko kasi si Shaider.. hindi dahil sa makintab niyang Costume Kundi sa ginagawa niyang kabayanihan.. aba!! nung maliit pa ako dun lang ako nakakita ng tagapagtanggol laban sa mga Human Size na Alimango, Aso, Pusa, Kabayo, Kuto at Alikabok... at saan kaba nakakita ng baril na sinlaki ng Pangarap ng Mambabatas? (Babylon) diba? may ganyan ba si Superman? wala... Saludo din ako sa sa Creator ng Shader si Hatte Saburou kung nasan siya at kung buhay pa ba siya at kung ani paki ko sa kanya e hindi ko na problema... siya ang naging dahilan kung bakit ko nagustuhan ang Japanese Sentai.. at Japanese Anime

Diba?? ang Tikas... Patay kau diyan.. baka magamitan ka ng Shaider Super Slash!!!... Salamat Shaider salamat sa isang magandang palabas na hindi ko malilimutan...
Bwahahaha!!! medyo maayos na at hindi na sakit sa ulo ung blog ko.. pero temporary palang din toh.. under repair pa... pag nagawa ko na talaga un.. mapapakita ko rin.. medyo nagka-oras lang ako para sa blog ko.. nakakaawa kc.. cgee <*ciao*>
<*Sigh*> kakapagod... sa dami ng ginawa ko nung past few weeks mahigit one month na pala ako hindi nakapagpa-update hayz.. simulan mo muna sa report ko sa java... na medyo successful pero inulan ng batikos.. (lintik naman kasi si baraks.. ung partner ko.. nagbabasa.. sabi ko naman sa kanya wag na magbasa... napagalitan tuloy..) well medyo ok naman un pero ung time na for presentation medyo rush kami dahil hindi pa nababasa ni barax.. ung iba sa mga rereportin niya.. (pasaway amf!!) hayz... pero before the reporting may mas brutal pa dyan.. hehe.. ang pag babasa ng maraming libro... although hobby ko rin ang pagbabasa naiisip ko sa sarili ko na medyo masakit din pala sa ulo ang pagbabasa lalo na pagmadami na ka nang iniintindi.. nakakatawang isipin isang tao na nahiligan ang pagbabasa nagrereklamo na rin pala... ung isa pa pala ung sa consti.. hayz.. dami naming minememorize... tapos terror pa prof. mo... kala ko nga kahapon pagnatapos na ung report ko wala na akong iisipin meron papala.. hayz... kahapon nagkaroon ng problema sa dept. namin.. ung mga ICONS officer balak mag resign "lahat!!" oo hindi isa hindi dalawa kundi lahat... kahapon ng umaga kinausap ako ni ma'am Sicat (prof. ko sa Discrete Math) tinanong niya ako kung gs2 kong maging ICONS officer.. biglang lumabas sa bibig ko ang sagot na "ayaw ko" na hindi ko pa napagiisipan.. pero nung tumagal nakita ko na lang bigla si ma'am umiyak... hirap na hirap na daw siya dahil sa ginawa nung mga officer ng ICONS... ngaun.. nagiisip ako.. kung sasali ba ako.. o wag na lng.. naiipit ako sa gitna at namimili ng daan... malaking responsibilidad ang maging officer lalo na yung dalawampung officer na yun eh papalitan lang ng "Lima!!!"... hindi naman sa ayaw ko pero may scholarship akong gustong kunin... masisira ang balak kong maging Scholar kung magiging Officer ako dahil alam ko kung paano ang trabaho nila... masyadong mahirap masyadong mabigat... lalo na kung lima lang ang gagalaw... masakit isipin na ang Dept. namin na nasa gitna ng C.O.D. (center of development) eh bigla na lang may mga irresponsableng nilalang na bigla na lng iiwanan ang trabaho... sabi ni ma'am pangit ang performance nila... pero para sa akin.. wala akong pakielam sa performance mahalaga sa akin ang effort.. dahil lahat ng bagay... pangit o hindi.. may katumabas na effort parin un... kagabi nga hindi ako makatulog kakaisip dun.. kasi nga isang itong opportunity.. pero the risk is too high and the cost might be more than i can bear... sabi nga nila sa Spider-Man "Great Power Comes Great Responsibility" sabi nga sa 13th Ghost "Greatness Requires Great Sacrifice" at ayon din kay John Maxwell "The Man who wins is the man who thinks he can..." yan ang mga naging inspirasyon ko at ang motivation ko sa pangaraw - araw na buhay... kung bakit kahit gaano katindi ang problema ko.. nakakatayo parin ako pero.. sa loob ko.. hindi ako makagawa ng desisyon na maaring bumago sa takbo ng buhay ko...
Kagabi nga pala napanood ko ung The Last Samurai (as usual hindi ko nanaman na umpisahan)... well kwento ito ng isang banyaga na kumampi sa mga "Shogun" o Samurai na ang adhikain ay ang pagmamahal sa bansa at ang hindi pagkakasangkot nito sa mga kalakalan (treaty) sa ibang bansa... dahil nga sa hindi ko naumpisahan ang naturang palabas hindi ko alam kung ano ang pakay ng mga banyaga sa bansa nila... pero isa ang napulot kong aral... masarap pa lang mamatay na pinaglalaban mo ang bayan mo... kasi sa climax ng movie nakita nang sumugod sila Fafa Tom Cruise (haaaay!!!!) tapos nun bigla silang tinadtad ng Gatling gun... na tinatawag pa nila noon na "New Weapon - that fires 100 bullets per seconds" (ang haba)... balak mag "hara kiri" ng leader ng mga samurai nang si Tom Cruise na lang ang pumatay sa leader nito... well... nang mamatay ang mga leader kahit yung mga kalaban nila nagbigay pugay sa kabayanihan niya... hehe... ang mga hapon talaga mahal na mahal nila ang bansa nila mantakin mo... kahit sa panahong ito na preserve nila ang kultura nila na kahit mga kabataan dun nagbibigay galang parin... pero dito sa atin sa tingin mo? hayz... hindi naman sa napaka-hipokrito ko... pero... ako? mabuti pang mamatay ako... kesa itatwa ko ang sarili kong bansa... kasi kung iisipin mo... ano na ba ang mga napapanood mo sa T.V. sa panahong ito? kung hindi Telenovela na kinuha lang ang konsepto sa banyaga... Asianovela... Gameshow na kinuha lang sa ibang bansa... sabi ng Prof. ko sa Literature... walang kwenta daw ang Palabas na "Captain Barbell" kasi wala daw siyang kakwenta kwenta... mabuti pa daw ang "bituing walang ningning" eh... teka ang tanong ko lang... saang konsepto ba galing ung... "Bituing Walang Ningning?" diba? matagal na nangyayari yan sa shobiz sa ibang bansa... eh ang Captain Barbell? (Hoy!!! hindi ako kumakampi dito ah!!! pinagtatanggol ko lang ang sariling atin... diring diri parin ako kay Richard Guttierez) pagbigay pugay kay Mars Ravelo... hindi ba isa itong bagay na dapat nating ipagyaman?... ginawa ng isang Pilipino... nung High School ako.. gumawa kami ng barkada ko sa school ng Comic Book... pero sa kasamaang palad Kabastusan ang Konsepto... (pero kahit bastos siya pinagmamalaki ko siya dahil yan ang unang nagawa kong kwento ^^,) nilagay namin to sa Long Bond Paper... tapos fold namin ito into crosswise tapos simulan na ang pagiisip... ^^ (yuck!!!) pagkatapos nun hindi na nasundan ayaw na nila... wala daw babasa ng ganung Comic book (ung mga kauri lang namin ^^) kaya nakaisip ako ng isa pang konsepto nakagawa ako dati ng isa pa pero hindi na ito natapos at hindi na drowing... ang title nito eh... "Ang Epic Ko" kwento ito ng mga kabayanihan ng mga bida sa mga Epiko ng Pilipinas... sa Bantugan, Lam-Ang, Alim, HudHud... at marami pang iba... ang balak ko sanang ending noon eh.. mamatay silang lahat... dahil sa panahon ngayon hindi na sila kilala ng mga tao namatay ang panitikang pilipino sa puso ng mga kababayan nito... masyado kasi akong mapagmahal sa bansang ito... kasi na inspire ako sa Schoolmate kong Japanese noong High School... wiling daw siyang ibigay ang lahat ng meron siya mapaunlad lang ang Pilipinas... Isang Banyaga... nagmahal ng isa bansang hindi kanya... Hindi ba Insulto ito sa mga Taong pinanganak sa bansang ito pero wala man lang pagmamahal... ikaw iho/iha... mahal mo ba ang Bansang Ito? (Liars Liars place on Fires bwahahaha!!!).
Galing ako kaninang Robinsons Ermita... nagbabakasakali makabili ng hinayupak na Yu-gi-oh cards Tournament pack 4 (taena Php 3,500 tapos 4 na piraso lang yikes... wag muna ^^,) then bago ako dumating sa R.P. sa sinasakyan kong jeep bad trip!!! asar na asar ako sa kanya sa bawat kanto ata na madaanan niya humihinto siya at nagsasakay ng nagsasakay ng pasahero... akala ko kanina ako lang ang mainit ang ulo... at gustong ihulog ung driver sa upuan niya hindi pala... ung kasunod niya rin palang sasakyan.. then sa kanto ng Arsenio Lacson sa Espanya... nagkaroon ng maiinit na diskusyon... (pede ring nagaapoy kasi puro mura ang narinig ko.. ^^,) "P%†@ I*& hindi to Luneta!!!!" hindi ako nagsabi niyan.... ung driver ng sasakyang kasunod namin... "Naghahanap buhay ako... kaya kung magagalit ka sa akin.. wala akong magagawa..." sabi ng driver ng Jeep na sinasakyan ko... sa ganitong insedente alam... naliwanagan ako... dun sa sinabi niyang "naghahanap buhay" mali din ung ginawa ng driver kasi wala siya sa lugar para magsakay ng pasahero at nagreresulta ng isang malalang trapiko.. pero sa sinabi niya... bigla akong napatanong... "May jeepney Driver na bang Yumaman?" kung meron man... "marami ba?" bakit nga ba hindi yumayaman ang mga jeepney driver natin sa pilipinas? e sa dami ng tao sa pilipinas na sumasakay sa kanila siguro... mas mayaman pa sila sa kongresistang may konsensiya... bakit nga ba?
Isang kang jeepney driver... magsisimula ka ng pasada ng alas-4 ng madaling araw... at titigil ka ng alas - 11 ng gabi... kung pagmamay-ari mo ung jeep ok lng kahit maka Php 800 na sa isang araw.. pero kailang mo parin ng masmalaki pa diyan dahil ikaw ang magpapagasolina sa jeep mo at pag nasira siya... kailangan mong ipagawa sa mekaniko mo... pag hindi ikaw ang may-ari kailangan mong butasin ang pwet mo para makaipon ng Php 1,000 sa isang araw dahil kalahati nito boundary mo sa operator... sa kinita mong pera kailangan mong hatiin ang lahat ng iyon sa mga sumusunod: sa Upa ng bahay (kung nangungupahan ka..), sa Singil sa kuryente, sa singil sa tubig, sa pagkain pang araw-araw, sa gamit pang eskwela ng anak mo, at ang iba pa sa ipon (kung meron pa)... yan ang mga bagay na maliit na problema mo... swerte mo na lang kung: Hindi buwanan ang pagtaas ng krudo, 1 beses lang na flat ang gulong mo, hindi susubok na amg 123 ang pasahero mo, hindi mahoholdap ang jeep na sinasakyan mo, hindi mahihijack ang jeep mo at gagamitin ng terorista para sa vehicle bombing, hindi ka masisiraan ng sasakyan, hindi ka magkakasakit, at hindi ka makokotongan ng pulis...
Sa tingin mo.. Yayaman kaya ang isang Jeepney Driver.. kung lagi niyang tinatahak ang masalimuot, lubak - lubak, at maputik na daan patungo sa kaginhawaan?
"When Love And Hate Collide"
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Instead of slamming down the phone girl, for the hundredth time
I got your number on my wall, but I ain't gonna make that call
When divided we stand baby, united we fall
Got the time got a chance gonna make it
Got my hands on your heart gonna take it
All I know I can't fight this flame
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby, time after time
Without you
One night alone Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone
Without you
Can't stop the hurt inside
When love and hate collide
I don't wanna fight no more, I don't know what we're fighting for
When we treat each other baby, like an act of war
I could tell a million lies and it would come as no surprise
When the truth is like a stranger, hits you right between the eyes
There's a time and a place and a reason
And I know I got a love to believe in
All I know got to win this time
[Repeat Chorus]
[SOLO]
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby...Crazy...Crazy
Without you
One night alone
Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone
Without you
One night alone
Is like a year without you baby
If you have a heart at all
Without you
Can't stop the hurt inside
When love and hate collide
"The only way to pass this subject (Physics 1) is to give up your life.."
walangyah!!!! yan ang isa sa mga katagang binitiwan ni Engr. Malab (prof ko
sa Physics) bago niya simulan ang masalimuot na buhay namin sa kanya... sa
umpisa naisip ko... susuko kaya ako?.. bibitiw na ba ako?... kasi nagsimula kami
sa 34 students... down to 20...shet!!! maraming nag drop... karamihan sa amin
puro bagsak sa Exam... isa lang ang pumapasa.. mapa quiz... naglalaro sa 65 -
70 ang grades.. ko.. experiments at assignment 75... halos araw - araw puyat
hindi na nakakatulog kaka aral... gagawa ng assign.. na mali naman pala... at
hindi tatanggapin... hindi na ako makatulog sa gabi sa kadahilanang baka bumagsak ako sa subject na un.. at hindi pa tapos ang yugioh na sa madaling araw ko pinapanood... ^^, sa bawat araw parang lagi akong pinanghihinaan ng loob naiisip kung anu-ano ba ang pwedeng mangyari sa akin masakit ang bumagsak (alam niyo un...) hindi ko siguro matatanngap ang isang grade na singko lalo na kung binibigyan ko ito ng priyoridad...
Minsan pumasok sa isipan kong mag suicide... namimili ako ng mga bagay na hiyang sana sakin tulad ng paguntog ng ulo sa pader na puro lumot..., pag inom alak at mamulutan ng vetsin..., gumitna sa isang gang war..., o magpigil ng hininga o kaya hindi pagutot... maraming nangyari sa akin masyadong brutal nandyan ung psychological and mental torture na halos ikasira - ng ulo ko.... kakatwang isipin ung nangyaring un... kapag tinanong ka niya "dimaculangan!!!!" (nanginig bigla ako...) "what is your answer?" sabi niya... na may namumuong predatory instinct... sbay maingat na sumagot ng "sir... uhm.. mali po ung sagot ko..." sabay ilag sa mga shrapnel na maaaring tumama sa mukha ko... "mali ang sagot moh? edi alam mo ang tama... kasi alam mo ang mali.." ouch!!! sa pag tau ko nun inisip ko sana lumindol, kidlatan siya ng kulog (huh?), o kaya biglang bumaha at anudin na siya ni marina.... kapag sinagot mo naman siya ng "hindi ko alam.." ang sagot niya... "mukhang kailangan mong ulit ang subject na to... wala kang naiintindihan sa akin eh..." na siyang ikina tulala ko... na siyang nag pahina sa akin...
Nang dumating ang araw ng paghuhukom... final's examination bagsak parin ako... wala parin hindi na kayang habulin... limang araw halos akong walang tulog iniisip ang mga nagawa ko nun... pero kanina pagkakiha ko ng gradeslip.. hehe.. pasado... 2.75 haha i am totally fine ryt now para akong nabunutan ng labinlimang libong tinik sa lalamunan... ngaun.. kung iisipin ano nangyari? its almost certain that i failed but mo to think of it the one who help me is:
"Consider every day that you are then for the first time--as it were--beginning; and always act with the same fervour as on the first day you began."--Saint Antony of Padua.
My Inspiration ang nagbigay nang lakas sa akin... in the face of adversity hindi niya nagawang iwan ang isang matabang tao na ang alam lang gawin ay magpakagago... pero siya hindi niya ako magawang iwan... (how touching??) and also this one:
And really it was.. i've overcome Malab's wrath his wickedness sa totoo lang lima lang kaming pumasa sa kanya...out of 34 students isang I.T. student... na overcome ang isang Terror Engr. what a surprising...
Almost a month ko na hindi naupdate well then lets start up...
Aba!!! nakakagulat naman nang malaman kong ipapalabas na pala ang Captain Barbell(dahil sa tagal kong hindi nabubuksan ang T.V. namin sa bahay dahil sa sobrang Busy.. Muntik na nga ako sakmalin ng T.V. namin eh..) well to start up... taena!!!! wala na bang matinong palabas!!!! nagsimula sa malansang isda... at sa babaeng May Keso de Bola sa Ulo... ngaun.. naman.. taong may kakayahang makapagbuhat ng bakal... anu na susunod? Si Kumander Bawang? Si Tsuperman? Ninja Liit? Kabayo Kidz? o baka gusto mo rin si apeng daldal.... well wala namang masama sa pagpapalabas ng ganyan.. pero ang akin lang... masyado naman ata nating inilalayo ang mga tao sa Realidad... sa katotohanan... bakit hindi sila magpalabas ng mga teleserye tungkol sa mga inspirasyon ng mga kabataan para yakapin ang Edukasyon... Mas magastos ba un sa pagpapaggawa ng custom sa sikat na custom designer?, mas mahal ba un sa paggawa ng Spedial Effects? bakit ba natin nilalayo ang sarili natin sa reyalidad... anu ba ang nasa reyalidad... na pilit nating tinatakasan...
Uu nga pala ang reyalidad nga pala: ang pagkakalubog natin sa kahirapan, pagbagsak ng ekonomiya, mga buwayang politiko, presidenteng walang utak, at kung meron mang utak wala namang puso... pagkain ng karamihan ng mga tira sa basura, o kaya eh.. basta humili na lang ng daga... at uod.. kung walang wala na... mga batang nagbabasura nagiipon ng pera pang rugby nila... pagkakaroon ng malaking populasyon ng tambay sa kalsada... pagkawala ng oportunidad sa trabaho... paninirahan ng karamihan sa ilalim at ibabaw ng tulay... pagtira sa tabing ilog... pagkakaroon ng sakit... mga kabataang ang gusto na lang eh... maging tambay habang buhay at isinangtabi na lang ang edukasyon... mga maiingay na kapit bahay na ang libangan ay pag usapan ang buhay ng ibang tao... mga lassenggo na naging alak na ang dugo... mga college graduate na walang trabaho sa kadahilanang hindi nila mahal ang kurso nila... mga abusadong pulis... mga abusadong Politiko... mga krimen sa paligid na hindi maiwasan...
Reyalidad.. yan pala un... ung iniiwasan natin ung tinatakasan natin... minsan natanong muna ba ang sarili mo... (kung mahirap ka) bakit ka pinanganak na mahirap? pero alam ko... na ang sagot mo.. maninisi ka na lang, sisihin ang Gobyerno... ang Magulang mo... ang Syota mo... Ung bakla sa parlor na malapit sa inyo o kaya ung pusa mo na nakikilala ka lang pag may pagkain ka... yan ang reyalidad!!! pero kung iisipin mo ano ba ang solusyon... anu ang kailangan kong gawin... pumikit ka at sabay bigkasin mo to "Edukasyon" uu matatawa ka sa akin alam ko... dahil kung iisipin mo... maraming graduate na estudyante.. ang hindi nakatulong sa bansa.. uu totoo un pero... sa tingin sino ba ang may pagkukulang?
ang Gobyerno... ang Magulang mo... ang Syota mo... ? hindi ata... magaral kang maigi... kung nahihirapan ka sa pagaaral ngaun... mas mahirap... yan sa mga sumusunod na panahon... kung namamahalan ka sa edukasyon... mas mahal.. yan sa mga sumusunod na taon...ngayon ang reyalidad na nabanggit ko... mababago mo yan... kung gagamitin mo ang kakayahan mo.. hindi lang bilang kontribusyon sa bansa... ngunit isa ring patunay na kaya mong baguhan ang nakagisnang reyalidad...
Nung nagkatoon kami ng discussion sa english subject sabi ng prof... ko sa english ang mga Elementary teachers dawang madalas na naaalala ng mga tao... lalo na daw sa mga Public Schools nagtataka ako... dahil sa buong buhay ko hindi pa aki nakatikim ng Public... kaya mariing kong binibigyan ng salungat ang sinasabi ng prof ko.. dahil hanggang ngayon eh.. minumulto parin ako ng mga ala-ala ko sa mga teacher ko... sa elementary at ito ang mga smusunod:
- hanggang ngaun naaalala ko pa rin ang mababangis na mukha nila na parang sumusuri ng amag sa pandesal...
Bukambibig : "Makuha ka sa tingin..."
- ang mga matitinding pingot sa tenga ni Mrs. O
Bukambibig : " Ano nanamang kalokohan yan?" (sanay pingot)
- ang nagngingitngit na ngipin at pambibitbit ng patilya ni Mrs. Dsd
Bukambibig : "Halika ka nga dito...."
- ang mga malalaking mata ni Mrs. R na parang sa loon mo na lang eh... sana naging buni ka na lang nang araw na un...
Bukambibig : "Hindi ka tatahimik?"
- ang mga Lumilipad na mesa, silya, sapatos, chalk, blackboard, ruler, bag, lapis, pamatpat at at kung anu anong bagay na pwedeng ibato... (kahit ung estudyante pede rin) yan ang kakayahan ng aking Ina isa siyang mabait na guro mabilis niyang iniaabot sau ang mga bagay na un pag nagiingay ka...
Bukambibig : "Akin na iabot mo sa akin yan..."
- ang mga masasarap sa tenga ng bisaya kung teacher na si Mrs. C na sa tuwing nagsasalita may lumalabas na mga salitang bago sa bokabolatyo ko..
Bukambibig : " Mga Dimunyu kau mga Anemal" (di ba? bago...)
- ang mga masasarap na kendi ni Mrs. N na bukod sa masarap na nakakapagpataas pa ng grade... (minsan naiisip kong siyasatin ang mga kendi niya kung may brain enhancer pero wala pala)
Bukambibig : "Ilan gs2 mo? labinlimang kendi lang?!?! bilin mo na tong isang balot wg ka na mag quiz...."
- ang mga makikirot na palo at kurot ni Ms G. na naging dahilan kung bakit tumalino ako... ^^
Bukambibig : <*whapakkk*>" umayos ka....." (ako.. ,aiyaiak na sa sakit..)
- ang mga matitinding hagupit sa kamay ni Mr. Lim na pag bagsak ka...sa quiz eh papaluin ang kamay mo ng ruler na may kapal na 1 inch papaluin ito ilang beses hanggang makarating ng 75..
Bukambibig : "Ilan na?? ano bayan?!? hindi mo binibilang?!? cge ulit ilan ba grade mo?? 50? cge may 25 pa..."
- ang matinding recitation ni Ms. O e2 ang malupit sa lahat dahil ang teacher na to ang hinding hindi ko malilimutan.... pagpapawisan ka pag nasa gitna ka.. ng klase at ipapahiya ka niya... at pag hindi mo siya nasagot ipapakilala ka niya sa pader... (kung tutuusin bung taon kong naging kaibigan ung pader eh..)
Bukambibig : "Hindi ka nagaaral?!?! cge kausapin mo ung pader.."
- Ang pagpapalabas, pagpapaiskwat, at pagpapataas ng kamay ni Mrs. C siya ang pinaka malupit sa lhat dahil lahat ng parusa ibibiga niya sau... konting pagkakamalo mo para ka nang snunog sa impiyerno..
Bukambibig : "Labas!!!!!!!!!"
kung mayroon sa public meron din sa private,, masyado naman yatang tanga ung prof... na un,... kung iniisip niyang sa puvlic ang nagyayari un
full metal alchemist
Imagine a world in which Alchemy is not only possible, but used frequently. Alchemy, though, is a science, and with all sciences there
are laws that must be followed. Welcome to the anime, Full Metal Alchemist. The story begins about two brothers, Alphonse and
Edward Elric. Ever since they were young they had practiced the science of alchemy. You follow their journey of being alchemists
and their quest to regain that which they have lost. Their father was a well recognized alchemist, which is probably where their knack
for it comes from. However, when they were young their father left, and they remained in the care of their mother. One day their mother
died, and in their innocence and ignorance, they attempted what was forbidden, human alchemy. What happened next, they were obviously
not prepared for, and in the aftermath the brothers lost more than just their mother. In the freak accident Alphonse loses his body,
and in a moment of panic Edward ties his brother's soul to a piece of armor. Edward himself loses an arm and a leg, a costly reminder
of what has happend. The story begins and details the brother's journey to find a alchemy amplifier so that they may return to their
normal bodies.
[story outline provided by www.fullmetal-alchemist.com]
Sino Ang Alchemist na to?
Ray Marvin (DmAx) Dimaculangan
marvin,dmaxxx,boy,cute,pogi,snatcher,holdaper waa tama na!
Born: April 06 1987
Aries ( isa akong Tupa hindi Puta!!)
Organizations:
Laging Gutom Organization
Wala pang kain Organization
At , Tirador ng kaning Lamig organization
1st Year B.S.I.T. ( Instant Tambay Joke Information Technology)
About Me:
si dmax ay mahilig kumain ng palabok sa palengke habang pinapalaman ito sa pandesal na may halaga nang dalawampiso!!!! hilig niya ang pakikibag laro sa mga bangaw na naglalakbay sa mga halaman at sa mga mababahong bagay na iniiwan ng mga asong kalye nasisiyahan siya dito pag tinatanggalan niya ng papak, paa, ilong, mata, bibig at pati narin buhay... wala siyang hilig sa mga kabaduyang creepwalk na ginagawa ng mga batang gustong mawalan ng paa hilig niya rin ang pakikinig ng radyo lalo na yung istasyon ng radyo na puno ng litanya at sermon ng nanay at tatay niya at wala siyang hilig sa mga taong tsismoso na tulad mong nagbabasa ng profile ng may profile umuwi ka na tsismoso o tsismosa baka hinahanap ka na ng nanay mo kailangan mo pang makinig ng litanya... ^^
other alchemists
fullmetalalchemist-fan [ aoi-chan ]
fullmetalalchemist-fan [ aoi-chan ]